Paano Mo Ba Ako Mamahalin?

Paano mo ba ako mamahalin?

Yan ang madalas na binibigkas ng aking isip at damdamin.

Ginagawa ko ang lahat upang ika’y mapasaya,

Mapatunayan ko lamang na sa puso ko ika’y nag-iisa.

Gusto kong maintindihan kung ako ba ay may pagkukulang,

O sadyang iba lang talaga ang laman ng iyong puso’t isipan.

Gusto kong malaman ang iyong nararamdaman,

Ako ba ay iyo nang minamahal,

O hanggang ngayon para sayo ako ay wala lang?

Sinabi ko sa sarili na lahat ay titiisin

Pinangako na habambuhay kang mamahalin

Ngunit tila ako pa din ay nababalewala

Kaya aking tinatanong, tama pa ba ang aking ginagawa?

Hangad kong maintindihan lahat ng dahilan,

Kung bakit ang aking nadarama ay di mo kayang suklian.

Ako ba’y hindi karapat dapat na mahalin?

O ang pagibig mo ay sadyang hindi para sa akin?

Handa akong makinig sa lahat ng sasabihin,

Sisikapin na gawin ano man ang hilingin,

Dahil ang puso’y ko’y walang balak bumitiw,

Mapatunayan lamang na ako’y karapat dapat ding mahalin.

Pansamantala akong lalayo sayo,

Hanggang dumating ang oras na ako din ay maisip mo.

Hindi ako titigil sa aking paghihintay,

Dahil nais ko na ang aking pagmamahal ay sayo lamang ibibigay.

Hinding hindi ako mawawalan ng pag asa,

Patuloy akong maniniwala sa aking nadarama.

Hihintayin ko na dumating ang panahon

Na maririnig ko sayo ang mga salitang “mahal kita”, “ikaw lang, wala ng iba”.

Advertisements

One thought on “Paano Mo Ba Ako Mamahalin?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s