Unli Chance

Nakapanood ako kagabi ng palabas sa telebisyon na ang title ay 2nd chance. It was a story about a couple who broke up after 8 years of being together then gave each other another chance. After watching it, napaisip ako. Do 2nd chance really work? Why do we say goodbye to someone tapos babalikan din pala natin? Is it really a smart choice if you give yourselves another chance kahit niloko ka na? Sabi nga nila diba, once a manloloko always a manloloko.

So many things were playing in my mind noong mga oras na yun. Feeling affected, hindi naman ako yung bida. Pero well, naisip ko lang kasi about giving the relationship another shot kahit nagkalokohan na. Paano naman kung paulit ulit ang pagbibigay ng chance? Yung tipong naging unli chance na. Yun kaya maituturing na pagmamahal pa din? Sa tuwing sinusubukan natin na ibalik sa dati ang relasyon, sino kaya ang binibigyan ng another chance? Chance ba yun sa atin para finally marealize natin na wala na talagang patutunguhan ang relasyon kaya it’s time to move on, o chance sa kanila para marealize nila na may isang taong nagmamahal sa kanila ng sobra pero dinededma nila dahil sobrang busy sila sa paghahanap ng iba? Hanggang saan ba talaga ang chance na dapat natin ibigay?

Ang hirap kapag pag-ibig ang pinaguusapan. Madalas nasasabi ko, bago hiwalayan, pag-isipan muna kasi baka magmukha kang tanga kung hihiwalay ka tapos babalik ka din pala. Minsan naman nasasabi ko, may mga bagay talaga na pinagsisisihan natin. Kung nagkamali ka ng desisyon at nakakita ng pagkakataon na baguhin ito, go! Try mo ang 2nd chance. Malay mo this time magwork na diba? Pag pumalpak pa din then tigilan mo na. Kaso hindi ganun ang nangyayari. Kadalasan din kasi satin, nasasaktan na ng paulit ulit pero sige lang, try pa din ng try. Minsan sinasabi natin na mas ok nang magtry kesa magkaroon ng mga “what if” sa buhay. Madalas naman pakiramdam natin na yung taong mahal natin eh sya na din ang huling mamahalin natin na para bang wala na talagang mas hihigit sa kanya kahit na napakadami naman dyan (hindi lang talaga natin pinapansin).

Ngayon napapaisip ako, ok lang ba kaya talaga ang 2nd chance? Eh ang unli chance? Bakit kaya may mga taong paulit-ulit na bumabalik sa taong paulit-ulit ding nananakit sa kanila? Sa mga hindi makapag let go, paano kaya? Masasabi pa din ba na tunay na pagmamahal yun o pagpapakatanga na? Kung paulit ulit kang umaasa na hindi ka na lolokohin at sasaktan ng taong mukhang hindi ka naman talaga mahal, paano ka kaya magiging masaya?

Paano kaya magkakaroon ng hangganan ang nakasanayang unli chance?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s