Habambuhay

Ayokong pahabain ang tula na ito

Gusto ko lang ipaalam sayo ang nararamdaman ko

Labing isang taon simula nung ibigin ka

Labing isang taon at mahal pa din kita

Maraming taon na masaya, marami din ang mga nangyaring hindi maganda

Maraming hiwalayan, maraming iyakan, maraming pagbabago, pero nagpapasalamat ako dahil nandito pa din tayo

Alam kong ramdam mo ang mga panahon ng pag-iwas ko

Panahon na ako ay gulong gulo na sa nararamdaman ko

Panahon na ang pagbitiw na lang ang naiisip ko

Panahon din na nakita ko kung gaano mo kagusto na magpatuloy tayo

Maaring hindi ko alam kung saan tayo tutungo, pero gusto kong magpasalamat sayo dahil hindi ka sumuko

Marami na tayong pinagdaanan. Maraming pagsubok na din ang nalampasan

Sa lahat ng nagawa mo, habambuhay akong magpapasalamat sayo

Habambuhay akong patuloy na susuporta sayo

Dahil ikaw ang buhay ko, ikaw ang pagibig ko, ikaw lagi ang pipiliin ko.

Habambuhay, ikaw ang mamahalin ko.

One thought on “Habambuhay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s